Thursday, September 17, 2015

Labing-pitong taon


        Isang espesyal na araw para sa akin ang araw ngayon sapagkat ito ang aking kaarawan. Tumakbo ng normal ang aking araw. Pumasok, nakinig sa guro, nakipagkwentuhan sa mga kaklase, umuwi at kumain.

         Hindi nakalagay sa Facebook ang petsa ng aking kaarawan sapagkat nahihiya ako kapag ako'y binabati bunga nito ay hindi alam ng aking mga bagong kaklase na ako'y nagdiriwang ngayon ng aking kaarawan.

         Pagkauwi ko'y nakatanggap ako ng mensahe sa aking dating kaklase. Ako'y kanyang binati at simula nito'y bumati narin ang mga iba kng dating kaklase at bumuhos na rin ang mga pagbati sa Facebook pati ng mgabago kong kamagaral ay bumati na rin.

         Bagama't nahihiya ako 'pag akoy binabati masaya naman ako sapagkat maraming nakakaalala sa aking espesyal na araw. Dala na rin sa iba't-ibang gastusin at sa hirap ng buhay hindi ko na hinahangad na ako'y may handa at regalo mula sa aking magulang. Ang mahalaga ay magpasalamat sa Diyos sa lahat ng biyayang natatanggap at ipagpasalamat na ako'y nabubuhay pa sa loob ng LABING-PITONG TAON.

No comments:

Post a Comment