Saturday, August 29, 2015

Kalikasan



                                
        Ngayon ay araw ng sabado, kaunti ang aking takdang aralin kaya't napagpasyahan kong tumulong sa king ina sa pagtatanim at pagaalaga ng mga halaman sa aming bakuran.
       
        Makikita sa aming bakuran ang mga iba't-ibang tanim katulad ng talong,sili,talbos,kamote,pechay at kalamansi. Malaki ang tulong ngamga ito sapagkat imbis na bumili pa ay pipitas ka na lamang upang may ipangsahog sa mga lutong ulam.
 
       Noong una'y nakakatamad ang tumulong sa ganitng gawain, madumi ang lupa, nakakapagod ang magtanim at araw-araw mo itong didiligan. Pero naisip kong hindi lang ako at ang aking ina ang natutulungan ng mga ito kun'di nakakatulong din ito sa ating kalikasan.

       Sagana sa mga halaman at puno ang aming lugar, kaya't bihirang magbaha dito ngunit dahil na rin sa industriyalisasyon, unti-unting nawawala at nauubos ang mga halaman at puno dito. Maraming bahay na ang naitayo at patuloy pa itong nangyayari.
  
       Sana ay mamulat ang mga tao na mahalaga ang mga puno't halaman sapagkat ito ang magsasalba sa atin sa iba't-ibang sakuna. Matuto rin tayong magtanim ng mga halaman dahil hindi lang tayo ang makikinabang pati na rin ang ating KALIKASAN.

3 comments:

  1. Sana po may bilang ung mga salita

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. sana po ay binilang nyo po ang mga salita sapagka't ito'y sobra at marami rin pong mali na salita na isiningit lamang yun lang po

      Delete